-- Advertisements --

Nagtala ng Guinness World Records ang lalaki sa Spain dahil sa bilis nitong pagtakbo habang nakasuot ng high heels.

Si Christian Roberto Lopez Rodriguez ay tumakbo ng 100 metro sa loob ng 12.82 segundo habang nakasuot ng sapatos na pambabae na may 2.76 inches na heels.

Ito na ang ika-57 Guinness World Record ng 34-anyos na si Rodriguez .

Nahigitan nito ang record ni Andre Ortolf ng Germany noong 2019 na mayroong 14.02 seconds sa parehas na kategorya.

Ilan sa mga record ay pagtakbo na mayroon takip ang mga mata, nakasuot sa sako at nakasuot ng clogs.

Siya rin ang may hawak na record na tumakbo sa pinakamabilis na 100-meters sprints na ginawa niyang patalikod.