BUTUAN CITY – Nasa ligtas na kalagayan na ang isang 30-anyos na lalaki matapos nitong sinaksak ang sarili dahil sa selos kahapon sa alas 8:00 ng umaga sa bisinidad ng Purok 3, Barangay Trinidad, Surigao City.
Base sa impormasyong nakuha galing sa Surigao City Central Fire Station, kaagad silang rumesponde sa nasabing insidente mtapos itong ipinaabot sa kanila.
Napag-alamang ang biktima na si Giveben Patiga, 30-taong gulang ay pinaniniwalaang nag-suicide dahil sa selos base na rin sa pahayag sa kaniyang 23-anyos na live-in partner na si Marlyn Salazar.
Nagtamo ng sugat ang biktima sa tiyan matapos niya itong sinaksak na binigyan naman sa mga personahe ng Surigao City Central Fire Station nang first aid at dinala sa pinakamalapit na ospital para sa medikal na atensiyon.