-- Advertisements --

Inaalam pang mabuti ng mga kapulisan sa Ukraine ang motibo ng lalaki na nanghostage ng 20 katao sa isang bus.

Ayon kay Deputy Interior Minister Anton Herashchenko, na posibleng may dalang bomba ang nasabing armadong suspek ng i-hostage ang mga pasahero ng bus sa Lutsk City.

Nagsagawa na sila ng negosasyon para mapahupa ang nasabing suspek.

Agad rin na kinordon ng mga otoridad ang lugar.

Mahigpit naman na binabantayan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang nasabing kalagayan sa lugar.