-- Advertisements --

Kinasuhan ng isang lalaki ang Powerball at DC Lottery matapos na nagkamali umano sila sa ipinalabas na nanalong numero.

Ayon kay John Cheek na tila nakaramdam ito ng pagmamanhid ng makuha ang Powerball winning numbers ng kaniyang ticket noong Enero 2023.

Laking pagkadismaya na lamang nito ng iprenisenta niya ang kaniyang ticket sa Office of Lottery and Gaming (OLG) at ito ay tinanggihan.

Sinabi umano ng isang ahente doon na mali ang kaniyang tickets at dapat na itapon na lamang niya ito.

Itinago na lamang niya ang tickets at kumuha na lamang ito ng abogado para sampahan ng kaso ang mga nasa likod ng OLG.

Paliwanag naman ng contractor ng Powerball at Lotter na nagkaroon lamang ng technical error.