-- Advertisements --
Pinatawan ng limang taon na pagkakakulong ang isang lalaki sa Vietnam dahil umano sa pagkalat ng virus.
Napatunayan kasi ng korte na guilty si Le Van Tri sa paghawa ng nasabing sakit sa walong katao.
Sa kalaunan ay namatay din ang walong mga hinawaan ni Tri.
Noong Hulyo rin ay bumiyahe sa Ca Mau city si Tri mula sa kaniyang bahay sa Ho Chi Minh na pinaniniwalaang may iba pang nahawaan.
Mula pa noong Hunyo ay tumaas ang kaso ng Delta variant sa nasabing bansa.