VIGAN CITY – Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang alaki sa Barangay San Pedro, Narvacan, Ilocos Sur matapos nitong mapatay sa saksak ang kaniyang sariling pamangkin.
Nakilala ang suspek na si Edwin Flores Ramirez, 46, residente ng nasabing lugar, samantala ang biktima naman ay si Jar Abaya, 30-anyos, taga-Manila at isang linggo pa lamang na nakatira sa nasabing barangay.
Base sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na nag-inuman lamang ang dalawa sa gilid ng dagat sa nasabing barangay.
Nagpapalamig umano ang dalawa habang nakaduyan nang bigla na lamang nagbiro ang biktima at sinipa nito ng makailang beses ang suspek.
Ikinairita ito ng suspek kaya kumuha ito ng kutsilyo at sinaksak ng dalawang beses ang kanyang pamangkin.
Nagtamo ng sugat sa dibdib at kili-kili ang biktima na siyang dahilan ng kanyang kamatayan kahit na naitakbo kaagad ito sa pinakalamapit na ospital.