-- Advertisements --
Sinilaban ng isang lalaki ang kaniyang sarili sa labas ng korte sa Manhattan, New York.
Nangyari ang insidente kasabay ng pagdinig sa criminal case laban kay dating US President Donald Trump.
Mabilis naman na naapula ng mga otoridad ang apoy kung saan agad ding dinala sa pagamutan ang biktima.
Dahil sa insidente ay kinordonan ng mga otoridad ang lugar.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng lalaki sa pagsunog ng katawan nito.
Tiniyak naman ng mga kapulisan ng New York na nakabantay sila sa seguridad sa lugar.