-- Advertisements --

Sinunog ng lalaki ang kaniyang sarili at tinangkang lumapit sa White House.

Agad na hinarang at inapula ng mga nakabantay na pulis ang nasusunog na katawan ng lalaki gamit ang fire extinguisher.

Dinala naman ang hindi pa pinangalanang lalaki sa pagamutan kung saan 85% ng kaniyang katawan ang nasunog.

Hindi pa malaman ng mga otoridad ang motibo ng lalaki na pagkatapos nitong sunugin ang sarili ay paikot-ikot pa ito sa park malapit sa White House.