-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa kahabaan ng Eco Road and Diversion Road Intersection, Brgy Bocohan l, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Rolito Segayle Mori, 52-anyos, residente ng Sun Ridge Ville, Brgy Isabang Tayabas City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag alaman na habang binabaybay nina Mori at ng kanyang driver ang kabahaan ng nasabing kalsada lulan ng isang truck at nang papaliko na sana ito ay bigla na lamang pinagbabaril si Mori ng di pa nakikilalang suspek.

Matapos nito, napag alaman na agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente habang dinala naman sa ospital si Mori para sa medical assistance.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nabatid na nagtamo ng sugat ang biktima sa kanang ibaba ng kanyang ulo.

Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang cartridge case ng Calibre .45 na baril.

Sa ngayon, nasa mabuting kalalagayan na umano nasabing biktima habanv patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek na agad namang tumakas matapos ang insidente.