-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nanatili sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac ang isang lalaki matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito matapos mabangga ang tricycle sa isang van.

Nangyari ang aksidente sa Brgy. Tabug sa nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ng PNP-Batac, habang binabaybay ng high ace van ang kalsada patungo sa timog na direksyon ay patungo naman sa hilagang direksyon ang tricycle.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na umagaw ng linya ang driver ng tricycle rason upang mag-iba ng direksyon ang van para hindi mabanngga ang tricycle.

Samantala, sumama ang tricycle sa van dahilan upang magkabanggaan ang dalawang sasakyan.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver ng tricycle at walang nasaktan sa mga nakasakay sa van.

Kaugnay nito, lumalabas na nasa impluwensya ng alak ang driver ng tricycle ng mangyari ang aksidente.