-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patuloy na ginagamot sa ospital ang 34-anyos na mister matapos tinaga ng bayaw sa Barangay Batabat, Maayon, Capiz.

Nagtamo ng sugat sa daliri at kamay ang biktima na si Randolf Dellomos dahil sa pananaga ng bayaw na si Joebert Dordas 27-anyos ng naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Maayon Municipal Police Station na umiinom ang dalawa sa bahay ng suspek matapos natanggap na ang kanilang P6,000 mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Developmet (DSWD)
.
Ngunit hindi inaasahan nagkaroon ng hindi pagkaintindihan ang biktima at suspek matapos naungkat ang away ng kanilang mga anak.

Nagkaroon ng komprontasyon hanggang kinuha ng suspek ang itak sabay taga sa biktima.

Patuloy sa ngayon ang paghahanap ng mga pulis sa tumakas na suspek.