-- Advertisements --
image 153

Nakakulong na ngayon ang isang lalaki sa Antipolo City matapos itong umamin na siya ang pumatay sa kanyang kinakasama na nakitang putol-putol na ang bankay nitong Biyernes.

Ayon sa hepe ng Antipolo City PNP na si P/Lt. Col. June Abrazaldo, nauna nang sinabi ng suspek na iniwan daw niya ang ka-live-insa Cogeo Avenue pero hindi raw niya ito napatunayan. Kalaunan ay umamin din ang suspek sa pagpaslang sa biktama.

Una na ring itinurong primary person of interest ang naturang lalaki dahil siya ang pinakahuling nakasama ng biktima noong Miyerkules, dalawang araw bago ito matagpuang patay.

Dagdag pa ni Abrazaldo, umamin na lang ang suspek dahil binabagabag na raw ito ng kanyang konsensya.

“Iyong lagi niya lang sinasabi kung bakit niya chinop-chop ay dahil hindi daw tumitigil sa pagdodroga,” aniya.

“Konsensiya na po talaga lalo na po na ‘di kaya ng dibdib ko,” ayon naman sa suspek.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, hinampas ng suspek sa ulo ang biktima sa Barangay Dela Paz at Barangay Boso-Boso.

Nakakulong na ngayon sa Police Community Precinct Substation 2 ng Antipolo City ang suspek habang pinoproseso ang kasong murder na isasampa laban sa kanya.

“Dahil sa pag-amin ng suspek sa harap ng maraming witnesses kasama na po diyan ‘yung kanyang pamilya, at kanyang nilahad in detail na wala na po siyang itatago, ay considered pong case closed itong kaso,” dagdag pa ni Abrazaldo.