-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng Libon Municipal Police Station sa Albay ang ikasiyam sa Most Wanted Person ng bayan matapos na maaresto sa operasyon ng kapulisan sa Purok 2, Brgy. Pawa, Legazpi City.

Kinilala ang akusado na si alyas “Rodel”, 35-anyos, truck driver na tubong Brgy. Burabod, Libon subalit kasalukuyang naninirahan sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Arthur Tagtag Jr., hepe ng Libon PNP, taong 2008 pa nang maibaba ang mandamiento de aresto laban sa akusado sa kasong Rape.

Napag-alaman na 16-anyos pa sana an biktima nang mangyari ang krimen at13 taon nang nagtago sa batas.

Samantala, tiniyak naman ni Tagtag ang patuloy na paghabol sa iba pang mga personalidad na sangkot sa iba’t ibang krimen sa bayan, kahit ang mga nasa labas pa ng rehiyon.