Binaril ng mga secret service ang isang lalaki na may dalang baril habang ito ay nasa labas ng White House.
Sinabi ni Secret Service Chief of Communications Anthony Guglielmi, na nakakuha sila ng impormasyon ukol sa isang lalaki na nagbabalak na magpakamatay.
Bumiyahe umano ito mula Indiana patungong Washington at ng makita nila ang isang lalaki na tumugma sa larawan habang nakasakay sa kaniyang kotse na nakaparada malapit sa White House.
Nilapitan nila ang suspek at naglabas agad ng baril hanggang magpalitan sila ng putok.
Sugatan ang suspek at siya ay dinala agad sa pagamutan habang walang sinumang nasugatan sa insidente.
Wala naman sa White House si US President Donald Trump noong nangyari ang insidente.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang DC Metropolitan Police Internal Affairs Division Force Investigation team sa nangyaring insidente.