-- Advertisements --

LAOAG CITY – Namatay na ang biktima ng pamamaril noong Disyembre 21, 2019 na nangyari sa District 1, Superclub ng Brgy. 2 sa lungsod ng Laoag.

Kinumpirma ni Lt. Col. Amador Quiocho, hepe ng PNP Laoag, na pumanaw na ito habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center Batac City.

Una rito, binaril ng mga hindi nakilalang riding in tandem suspek si Arwin Domingo y Cristobal, 35, walang asawa at residente ng Brgy. 1 sa lungsod, habang nakaupo sa gilid ng kalsada na harapan ng inaayos na establisyemento.

Sa ngayon ay blangko parin ang kapulisan sa motibo ng insidente.