-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Imbes na magsisi sa brutal na pagsaksak-patay sa kanyang live-in partner, mas dinipensahan pa ni Joshua Cadiz, ang kanyang sarili matapos sumuko kahapon ng alas-singko ng hapon sa Butuan City Police Station-3.

Matatandang buong araw siyang pinaghahanap kahapon ng pulisya at mga opisyal ng Brgy. Pinamanculan nitong lungsod, matapos nitong pagsasak-saksin sa likod at sa dibdib ang kanyang live-in partner na si Carmela Enero kungsaan ang saksak sa dibdib na umano’y kanya pang inikot-ikot ang gamit na kutsilyo, ang dahilan na ito’ napuruhan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng responsable na hinampas umano siya ng biktima sa ulo gamit ang bara sanhi ng pagdilim ng kanyang paningin at nagresulta sa ginawa niyang kremin.

Tuwing mag-aaway umano sila ay siya ang palaging binubogbog at ang nangyari nitong nakalipas na gabi ang dahilan na hindi na umano siya nakapagtimpi.