BUTUAN CITY – Hawak na ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 3 ang isang lalaki matapos itong “mag-self help” nang bigong mapasok ang kuwarto ng dalagang kanyang kapitbahay sa Barangay Bayanihan sa Lungsod ng Butuan.
Napag-alamang agad napansin ng 24-anyos na dalagang itinago lang sa pangalang Luningning kaninang alas-2:00 ng madaling araw, na pinunit na ng suspek na si alyas Oscar, 49-anyos, ang screen sa bintana ng kanyang kuwarto.
Mabilis na tumakas ang suspek at pumasok sa kalapit na comfort room (CR) kaya inantay pa nila ang umaga saka tumawag ng mga pulis.
Narekober sa loob ng CR ang kutsilyong ginamit ng suspek sa pagpunit sa screen na ipinatong sa cover ng toilet bowl, pati ang sabong pangligo na posibleng ginamit umanong pampadulas sa kanyang ari kung saan nagkalat pa sa sahig ang kanyang semen.
Isinasalaysay ng suspek na lango pa sa alak na binibighani siya ng biktima rason na kanya itong tinangkang pasukin.