-- Advertisements --
Inaresto ng mga otoridad ng Germany ang isang Briton dahil umano sa pang-iispiya para sa Russia.
Ayon sa German federal prosecutors na ang lalaki ay kinilala lamang si David S na nagtatrabaho sa British embassy sa Berlin.
Base sa imbestigasyon nila na nagbigay ito ng mga dokumento sa Russian intelligence kapalit ng hindi pa malamang halaga na pera.
Matapos ang pangangalap na ebidensiya ay inaresto ito sa Potsdam at hinalughog ang kaniyang bahay at ang pinagtatrabahuan.
Nagsasagawa na ang mga otoridad ng imbestigasyon sa suspek.