-- Advertisements --

Inaresto ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang lalaki na ginamit ang pangalan ng Pamilya Marcos para makakuha ng mga proyekto sa gobyerno.

Ayon kay CIDG Director PMaj. General Nicolas Torre III, na kanilang naaresto sa Simeon Sander Dela Cruz sa isang hotel sa Pasay City.

Kinumpirma din ni Torre na dating private employee si Dela Cruz ng First Family.

Matapos na mawala ang koneksyon ito sa pamilya ay nasangkot na siya sa iba’t-ibang uri ng krimen.

Kasama na dito ang iligal na pakikipagtransakyon sa ilang pribadong indibidwal at sa gobyerno para makakuha ng komisyon ng hanggang tatlong porsyento.

Nakalikom ng ilang milyong piso ang suspek dahil sa kaniyang modus kung saan nakakakuha ito ng mga malalaking proyekto sa imprastraktura,kalsada, suplay at iba pa.

Nagpapakilala pa itong undersecretary at ipinapakita ang mga larawan na kasama ang first family.

Nanawagan si Torre sa mga bikitma ng suspek na lumapit sa kanilang opisina para sa dagdag na kaso laban sa kaniya.