-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Makakauwi na sa kanilang lugar ang isang lalaki na halos dalawang araw na naglakad mula Jamindan, Capiz patungong Kalibo, Aklan matapos magkaroon ng karamdaman.

Noong araw ng linggo, Pebrero 26, nagtungo sa estasyon ng Bombo Radyo Kalibo si Benedicto Bruce, sa legal na edad upang humingi ng tulong na makauwi sa kanilang lugar sa Cagayan Valley.

Pagkatapos manawagan, bumuhos ang tulong sa kanya kasama ang isang bus company na sumagot sa kanyang pamasahe sa bus ag barko papuntang Cubao sa Maynila.

Aniya, nagpasya siyang umuwi na sa kanyang pamilya sa Cagayan Valley dahil ayaw na niyang maging pabigat sa kanyang lola sa Jamindan, Capiz.

Hindi na umano siya maaring magtrabaho ng mabibigat dahil sa sakit na hernia.

Dahil sa kabiguang makahingi ng pera sa Jamindan para sa pamasahe pauwi sa kanila, kaya’t nagdesisyon na lamang itong maglakad papuntang Kalibo para makarating sa Caticlan, Malay.

Kasama sa tumulong sa lalaki ang mga van drivers at vendors sa terminal maliban pa sa mga naghatid ng tulong pinansiyal dahilan na nakalikom ng sapat na pocket money at pamasahe.