-- Advertisements --
VIGAN CITY – Patay ang isang binatang construction worker sa Santiago, Ilocos Sur matapos itong magbigti.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Vigan mula sa Santiago Municipal Police Station, nag-away umano ang biktima na si Raffy Echalar Tauro, 19- anyos at ang kanyang ama matapos pagbawalang magmanaheo ang biktima ng kurong-kurong dahil wala itong lisensya.
Nagpaalam pa umano ang binata sa kanyang ina na matutulog sa gilid ng dagat sa likod ng kanilang bahay sa Barangay San Roque ngunit laking gulat ng mga ito nang makita nila nitong umaga ang biktima na nakabitin sa ilalim ng puno at wala ng buhay.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan ng nasabing bayan upang matukoy kung may foul play ang pagkamatay ng binata.