-- Advertisements --

DAVAO CITY – Positibong kinilala ni Mary Jane Jumento Ibay, 45 anyos na taga Talomo Proper, Davao City ang bangkay na nakita kahapon sa dalampasigan ng Brgy. Centro, Agdao, Davao City.

Ayon kay Mary Jane, bangkay ito ng kanyang ka-live in partner na si Brian Martinez Dique, 44 anyos.

Napag-alamang isang linggo na palang nawawala si Dique.

Base sa initial report ng PNP, nakita ng dalawang mangingisda ang bangkay ng biktima isang kilometro ang layo mula sa dalampasigan ng Brgy. Centro Agdao na nakabalot sa sako ng feeds ang ulo at paa nito.

Karumaldumal ang sinapit ng nasabing biktima dahil nakabalot ng packaging tape ang paa at ulo nito habang nakatali naman ng twine straw ang kanyang kamay at naka duck tape ang bibig.

Makikita ding nakadikit sa sako na pinagsidlan ng bangkay ng biktima ang isang karatula na may sulat na “Holdaper ko sa panel sa Davao City” (Holdaper ako ng panel sa Davao City).

Kung maalala, nadiskubrehan ang nasabing bangkay na palutang-lutang sa dagat kahahapon ng umaga ng dalawang mangingisda na sila sila Leonardo Hernandez Montes, 48 anyos; at Angelito Villanueva Labador, 53 anyos, na parehong taga-San Marcos, Brgy. Centro, Agdao.

Sa kabilang banda, kinumpirma naman ng Baliok Police Station na may recorded na robbery case ang nasabing biktima.

Sa kasalukuyan, nakahimlay na ang labi ng biktima sa isang lokal na punerarya sa Panacan dito sa lungsod ng Davao habang nagpapatuloy naman ang isinasagang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing krimen.