ROXAS CITY – Ideneklarang dead on arrival ng hospital ang isang 23 gulang na lalaki matapos na malunod sa isang ilog sa Barangay Daan banwa, Tapaz, Capiz.
Kinilala ang biktima kay Jeremy Galagate nakatira sa Daan Sur, Tapaz,ngunit pansamantalang nakatira sa Barangay Poblacion, Tapaz.
Ayon sa impormasyon binigay ng Tapaz Municipal Police Station nagpaalam diumano,y ito na maliligo lamang sa ilog.
Nagtaka ang mga kaanak ng biktima matapos na hindi nakabalik ng ilang oras kaya pinuntahan nila ang ilog upang hanapin ang nasabing persona.
Gayunpaman biglang nakita ni Anecita Castor 58 taong gulang sa ilog na nakalutang ang katawan ng biktima.
Agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang Gng, subalit pagdating ng hospital ay ideneklarang Dead on arrival.
Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ni Galate, posible na inatake umano ang biktima ng kanyang sakit na epilepsy.