-- Advertisements --

Dead on arrival ang isang suspek sa pangmomolestya matapos umanong nang-agaw ng baril sa isang babaeng pulis pasado alas 7: 00 ng gabi sa loob ng Digos City Police Station. Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang suspek na si Jovanie Caballero 27- anyos at residente sa Brgy. Dulangan Digos City.

Sa imbistigasyon ng mga otoridad, dinala sa warrant section ang suspek para sa booking procedure dahil sa kaso kinasasangkutan nito at bigla umano itong nang-agaw ng service firearm sa isang Police Corporal PCpl Jacolina na nagresulta sa komosyon.

Napakinggan ito ni PSsg Sheila Mae Conoman (ang WCPD Investigator) at sa kanyang pagresponde nakita niya ang kanyang kasama na nalagay sa peligro ang buhay nito kaya napilitan umano itong barilin ang suspek na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Nalaman, na may kinakaharap na kaso ang suspek na Acts of lasciviousness ang suspek dahil umano sa pangmomolestya sa isang menor de edad na lalaki sa isang orphanage.

At dagdag pa ng mga otoridad, ang suspek umano ang nangyaring panggahasa mga bata sa loob ng isang bahay ampunan.

Ngunit sa panayam ng Bombo Radyo sa ina ng suspek, sinabi nito na naglalaro lamang umano ang kanyang anak sa isang menor de edad na kanya umaong minolestya.

At hindi ito kombinsido na mang-agaw ng baril ang kanyang anak na kinumpirma ng ina na mayroong special needs ang kanyang anak.