SYDNEY, Australia – Pumanaw na si James Harrison, ang kilala bilang “Man with the Golden Arm,” dahil sa dami ng dugong nai-donate nito na nakapagbigay ng lunas sa 2.4 million babies.
Nabatid na nag-donate siya ng dugo ng 1,173 beses sa loob ng 64 na taon.
Ang kaniyang bihirang blood plasma ay naglalaman ng Anti-D antibody, na ginamit upang gumawa ng gamot para sa mga ina na nasa panganib na umatake ang kanilang dugo sa hindi pa isinisilang na mga sanggol.
Dahil sa kaniyang mga donasyon, nailigtas ang buhay ng milyon-milyong sanggol.
Si Harrison ay namatay sa edad na 88.
Ang kanyang mga donasyon ay nag-iwan ng mahalagang pamana, at inaasahan ng mga siyentipiko na gagamitin ang kanyang dugo upang muling likhain ang Anti-D antibodies sa laboratoryo at maiwasan ang rhesus D hemolytic disease of the fetus and newborn (HDFN) sa buong mundo.