-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nakilala na ang naaagnas na bangkay ng lalaking nahulog sa balon sa Sitio Bungol, Brgy. Poblacion Alimodian Iloilo.

Ang lalaki ay kinilalang si Ronilo Alegrado, 21 anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Delina Alegrado, ina ng biktima sinabi nito na ilang araw nang nawawala ang kanyang anak.

Ayon pa sa ina ni Alegrado, inanyayahan pa niyang kumain ang kanyang namatay na anak.

Samantala inihayag rin ng ama ni Ronilo na si Rewel Alegrado na makailang beses na siyang pabalik-balik sa balon upang mag-igib ng tubig kasama na ang paglalaba ngunit hindi niya namalayan na mayroon na palang bangkay sa loob nito.

Ani Alegrado, makailang beses na rin dati na bigla nalang nawawala si Ronilo sa kanilang bahay.

Malakas naman ang paniniwala ng mga magulang ni Ronilo na nagpatiwakal ang biktima kung saan nakatali pa ang kanyang mga kamay.