-- Advertisements --
Pumanaw na ang tinaguriang may pinakamahabang ilong sa buong mundo na si Mehmet Özyürek sa edad 75.
Ayon sa mga kaanak nito na pumanaw ang Turkey native matapos na atakehin sa puso.
Nakatakda sana itong sumailalim sa brain surgery ilang araw bago ang kaniyang pagkamatay.
Base sa Guinness World Record na mayroong 3.46 inches ang haba ng ilong ni Ozyurek na kasinghaba ng baraha.
Tatlong beses ito ng kinilala ng Guinness dahil sa haba ng ilong noong 2001, 2010 at 2021.
Isa sa mga naging malaking tulong sa pagkakaroon ng mahabang ilong ay ang pagkakaroon niya ng matalas na pang-amoy.