-- Advertisements --
T swift
Taylor Swift/ IG post

Arestado ang isang lalaki na pumasok sa bahay ng singer na si Taylor Swift.

Agad na tumawag ng kapulisan ang kasamahan ng singer matapos na makita ang lalaki sa loob ng mansion nito sa Westerly, Rhode Island.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, lumutang ang isyu na kaya raw pumasok ang lalaki para alukin ng kasal ang singer.

Hindi lamang ito ang unang beses na pinasok ang bahay ng singer ng mga stalker at fans nito dahil noong nakaraang mga buwan ay ilan sa mga ito ang nagtangka ring pumasok sa bahay niya.