-- Advertisements --

Nakadetine na sa himpilan ng pulisya ang isang lalaki na nag-bomb joke habang nasa istasyon ng LRT-1 sa lungsod ng Pasay.

Batay sa ulat, nakapila umano ang mananakay na si Akbar Ismael para sa isang security inspection sa entrada ng Gil Puyat station.

Dito ay nagbiro umano ito na may dalang bomba sa kanyang bag ang taong nasa harapan nito.

Narinig ito ng guwardiya at agad na hinanapan ng eksplosibo ang nasabing commuter.

Bagama’t walang nakita, nakatakda pa ring kasuhan ng paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law ang suspek.