-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nahuli na ng Special Operation Team sa City Transport and Traffic Management Office o CTTMO ang isang motor rider matapos itong mag-viral sa ” Superman” stunts gamit ang isang motorsiklo sa bagong bukas na Davao City Coastal Road.

Nakilala ang nag-viral na motor rider na si Alex John Japos na mahaharap sa reckless driving violation dahil sa kanyang dangerous stunts. Napag-alaman na ang nasabing rider ay tubong Surigao Del Norte na walang Driver’s License na nagmaneho ng Suzuki raider na motorsiklo na kanyang hiniram sa kasama nito sa trabaho. Napag-alaman din na expired na ang registration ng motorsiklo na kanyang ginamit.

Kung matatandaan agad na nagviral sa social media ang dangerous stunts nito na ” Superman” matapos makunan ng nitizen ang kanyang ginawang stunts habang binabaybay nito ang Davao City Coastal Road. Dahil sa walang humpay na operasyon ng CTTMO, natunton ang nasabing motor rider, na pinag-isipan pa kung ano ang ipapataw na parusa.

Samantala, patuloy namang inaalam ng mga otoridad ngayon kung sino ang nasa likod ng pagbabandal sa isang poste sa coastal road na una na rin itong nag-viral matapos mai-post sa social media.