-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nabilanggo ngayon sa karsel ng Cabadbaran City Police Station sa lalawigan ng Agusan del Norte, ang isang lalaki dahil sa kanyang pag-masturbate sa harapan ng isang babae.
Ayon sa reklamanteng itinago lang sa pangalang Inday, ginagalaw ng 36-anyos na si Rene Clemenia, residente sa Brgy. Tolosa sa naturang lungsod ang kanyang ari at nang sitahin ay kaagad itng nagpaliwanag na kinati lamang umano niya ito.
Ngunit dahil nababastusan ay dumulog sa pulisya ang babae kung kaya’t kaagad itong dinampot.