-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patuloy na iniimbistagahan ng San Pedro Police Station ang nangyaring pamamaril dakong alas 4 ng hapon sa Arellano St. Brgy. 9- A nitong lungsod.

Sa report ng pulisya nakilala ang biktima na si Jay Besin Jagunos 37-anyos, may asawa at residente ng Talisay, Mintal relocation lungsod ng Davao, na tubong Trento, Agusan Del Sur. Ayon sa salaysay ng mga saksi na nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril at nang makita ang pinangyarihan nakahandusay na ang duguang biktima. Dagdag pa sa mga nakasaksi na nakita nito ang biktima na naglalakad at bigla na lamang itong nilapita ng naka-jacket ng itim at naka-maong pants at malapitang binaril.

Kaagad namang nirespondehan ng Central 911 ang nangyari at dinala ang biktima sa pinaka-malapit na ospital ngunit idineklara itong dead on arrival dahil sa tinamo nitong tama sa ulo at katawan.

Sa crime scene narekober ng SOCO ang dalawang basyo ng bala ng .45 pistol.

Ayon sa hepe ng San Pedro PNP ni si P/Maj. Marvin Hugos na sa ngayon inaalam pa nila kung ano ang background ng biktima at kung anong motibo ng suspek sa pamamaril.