-- Advertisements --

LA UNION – Arestado sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI-RO1) sa isang beach resort sa lungsod ng San Fernando ang isang lalaki na umano’y ibinubugaw ang sarili sa social media.

Ang suspek ay kinilalang na si Renan Oreiro, residente ng Tagudin, Ilocos Sur.

Inaresto ang suspek dahil sa reklamo ng isang ina matapos mabiktima ang anak na 15-anyos.

Buo ang desisyon ng ina na kasuhan ang suspek para mabigyan ng hustisiya ang nangyari sa kanyang anak, lalo na at nagdulot aniya ng trauma saa sinapit nito.

Nakilala umano ng biktima ang suspek sa social media, nang mag-chat ito sa kanyang messenger.

Dito na raw inalok suspek ng trabaho, na sexual services kapalit ng halagang P1,000

Napag-alaman na nangyari umano ang panghahalay sa biktima kasama ang isang kaklase nito, noong Setyembre malapit sa dagat sa Barangay Paratong Norte, Bangar, La Union.

Sa ngayon, hawak na ng NBI Region-1 office ang suspek at nakatakda ring isailalim sa inquest proceeding ngayong araw ng Miyerkules.

Sinabi naman ni NBI supervising agent Martini Cruz, na kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse at Anti Human Trafficking ang isasampa laban sa suspek.