-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Arestado ang isang lalaki matapos itong magnakaw ng mamahaling cellphone sa Session Road, Baguio City.
Nakilala ang suspek na si Jay-ar Odiong Mitay, 27-anyos at residente ng Purok 4, Gabriela Silang, Baguio City habang ang biktima ay si Prismiley Ann Tanedo, 19-anyos at residente ng Purok 1, Brookside, Baguio City.
Batay sa report, sinundan ng suspek ang biktima habang naglalakad ito sa Session Road dahil nahalata ng suspek na nakabulsa ang cellphone ng biktima at nang nagkaroon ito ng pagkakataon ay kinuha nito ang gadget ng biktima na nagkakahalaga ng P50,000.
Natuklasan ang pagkakakilanlan ng suspek sa tulong ng CCTV at agad itong naaresto nito.