-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki matapos na magpanggap na isang pulis.

Kinilala ang inireklamo na si Samuel Sy na nabisto ang modus matapos na masita sa paglabag sa number coding scheme.

Nagpakita pa ito ng I.D ng police kaya agad na ipina-beripika ng mga traffic enforcers kay Police Lt. Ed Alombro ng Manila police.

Inamin din ng suspek na peke ang kaniyang ID at kaya niya ginagamit ito ay para makalusot sa paglabag sa trapiko.