Arestado sa Thailand ang isang lalaki na nagpanggap bilang si George Clooney.
Si Francesco Galdelli, 58-anyos kasama ang asawang si Vanya Goffi, 45 ay nagtago ng halos anim na taon at naaresto sa pinagsamang puwersa ng Royal Thai Police at Italian agents mula Interpol.
Taong 2010 ng magreklamo ang actor na si Clooney matapos na malaman ang modus ng mag-asawa na pinipeke ang pirma nito para mabenta ang kanilang clothing line.
Modus ng mga suspek ay bentahan ang kanilang mga biktima ng mamahaling relo pero pagdating ng package ay lalagyan na lamang ito ng asin.
Hinatulan si Galdelli ng walong taon at apat na buwang pagkakakulong habang si Goffti ay hinatulang makulong ng anim hanggang limang buwang pagkakakulong.
Naaresto na sa Thailand si Galdelli noong 2014 sa Dusit Thani Hotel subalit ito ay nakatakas matapos bigyan ng pera ang mga kapulisang umaresto sa kaniya.