Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagpapakulong sa isang lalaki na nagnakaw umano ng pagkakakilanlan ng isang abugadong namayapa na noong Mayo 1986.
Dahil dito ay nagpasiya ang SC na nilabag ng lalaki ang batas sa paggamit ng pekeng pangalan. Sa desisyon na may 15 pahina, ipinataw ng Third Division ng Korte Suprema ang isang sentensiyang apat na buwan na pagkakakulong at multang na P500 sa lalaki.
Nahuli ang lalaki noong 2011 sa isang entrapment operation na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos makatanggap ng mga reklamo ukol sa kanyang pagpapanggap. Nahuli siya habang nagpapanggap bilang abogado sa harap ng Binangonan Municipal Trial Court (MTC) na pumipirma sa mga pleading at nakikilahok sa mga aktibidad ng korte.
Gayunpaman, in-abswelto ng Korte Suprema ang lalaki sa kasong usurpation of authority o pagsasamantala sa awtoridad na unang ikinaso ng Binangonan MTC.
Dahil paliwanag ng Korte Suprema ang isang abogado ay hindi itinuturing bilang awtoridad base kasi sa ilalim ng batas na Article 177 ng Revised Penal Code na ang mga nagpapanggap na isang opisyal o may awtoridad lamang ang maaaring masampahan ng kaso.
Ngunit kung ito naman ay gumamit ng pekeng pangalan ay papasok ito sa kasong falsification of public documents na siyang naging basehan ng orihinal na kaso laban sa naturang lalaki na hindi naman inilabas ang tunay na pangalan.
Samantala, sa ilalim ng Article 172 ng Revised Penal Code ng Pilipinas, o ang falsification of public documents ay may kaukulang parusa na maaaring pagkakulong at multa. Ang mga parusa ay nakadepende sa klase ng dokumentong pinaniniwalaang peke o pinalitan, halimbawa kung ang pekeng dokumento ay isang public document (opisyal na sertipiko, o mga dokumento mula sa gobyerno).
Na may kaugnay na parusa mula anim na taon at isang araw na maaaring tumagal hanggang 12 taon na pagkakabilanggo. Maaari ring pagmultahin ng P1,000 hanggang P5,000, ngunit ang halaga ng multa ay maaaring mag-iba batay sa kaso at sa pagpapasya ng hukuman.
Kung ang pekeng dokumento naman ay isang private document (kontrata o mga kasunduan na hindi opisyales), maaaring mas mababa naman ang sentensya dito, depende sa kalubhaan ng pagkakasala.