-- Advertisements --
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking nagpanggap na anak umano ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kinilala ang suspek na si Malberto Marcos na inaresto ng NBI Anti-Organized and Transnational Crimes (AOTC).
Sinabi ni NBI AOTC head Manuel Eudarte, na sangkot ang suspek sa investment at donation scam.
Ilan sa mga biktima pa nito ay mga overseas Filipino workers.
Itinanggi naman ng suspek ang alegasyon at sinabing kaparehas lamang nito ang apeliyedo ng yumaong dating pangulo ng bansa.