-- Advertisements --

dollen3

Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap na sundalo sa ikinasang entrapment operation ng militar at pulis sa Pangasihan, Gingoog City Misamis Oriental.

Nakilala ang lalaki na si Christian Dollen na nagpapakilalang officer ng 58th infantry Batallion ng Philippine Army, 23-anyos at residente ng Barangay 13, Gingoog City.

Ayon kay 1lt Jefferson Mariano, Civil Military Operation Officer ng 58IB, 4ID, nakatanggap sila ng impormasyon na ang suspek ay nagpapakilalang miyembro ng Philippine Army, modus nito na makipag kaibigan at kalaunay manghihiram ng pera at biglang maglalaho matapos makuha ang hiniram na pera.

Sa ikinasang entrapment operation nakuha sa suspek ang isang unit ng .45 Caliber pistol, isang magazine ng .45 caliber, 47 rounds ng .45 caliber live ammunitions, isang fired cartridge .45 caliber ammunitons, at dalawang piraso ng 40 mm live ammunition.

Kasong paglabag sa RA 10591 and RA 9516 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act and Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing In, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunition or Explosives ang kahaharapin ng suspek.

dollen2

” Dollen is not a Philippine Army soldier. He merely claims to be so that he can go about his scamming business.” pahayag ni Lt. Col Ricky L Canatoy, Commanding Officer, 58IB.

Nagpasalamat naman si Lt. Col. Canatoy sa mga nagbigay impormasyon sa kanila para matuldukan na ang ginagawang panloloko ng suspek.