-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naaresto ng mga kapulisa ang isang lalaking nagpaputok ng baril sa Brgy. Puttao, Solsona, Ilocos Norte.

Nakilala ang suspek na si Jemar Raymundo y Ruiz, 37, may asawa, tubong Moncada, Tarlac at nakatira sa nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon, nakatanggap ang himpilan ng PNP Solsona ng tawag sa pagpapaputok ng suspek sa harap ng kanyang bahay.

Nagpaputok ang suspek sa mga rumispondeng mga otoridad habang gumanti naman ng putok ang mga otoridad hanggang sa tinamaan sa balikat ang biktima.

Agad na dinala ang suspek sa Dingras District Hospital habang narekober ang isang cal. .45 na may magazine, isang pang empty magazine, holster at pitong empty cartridges ng cal. .45.

Nasa kustudiya na ng mga otoridad ang suspek matapos lumabas sa ospital.

Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kanya.