-- Advertisements --
Sugatan ang isang lalaki matapos nitong mahulog sa isa sa mga waterfalls na bumubuo sa Niagara Falls.
Ayon sa mga otoridad, nakatanggap umano sila ng report tungkol sa isang lalaki na nadulas matapos nitong akyatin ang retaining wall sa Horseshoe Falls.
Tinangay ng rumaragasang tubig ang biktima at nahulog sa Lower Niagara falls na may lalim na 188 feet.
Kalaunan ay natagpuan din ng mga otoridad ang biktima na nakaupo sa isang bato at kaagad din itong itinakbo sa ospital.
Base sa inilabas na impormasyon ng mga otoridad, hindi umano nagtamo ng seryosong mga sugat ang lalaki.