-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hawak na ng pulisya ang sinasabing suspek na nagsaboy ng asido sa isang babae sa Pasay City nitong Lunes.

Kinilala ang tinuturong salarin na si Ramon Collada, 30.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Maj. Sgt. Jonathan Tee, imbestigador ng Tabaco City Police, inamin ng suspek na paghihiganti ang motibo ng kanyang ginawa sa biktimang si Glory Cris Cuerda.

Batay sa ulat, dating karelasyon ni Collada ang kasalukuyang nobyo ng biktima.

Bukod dito, dati raw siyang binubugbog ng ex-partner.

Naisailalim sa inquest proceedings si Collada na nagtago sa Tabaco City.

Inilipat na rin ito sa Pasay City Police para harapin ang mga kaso.