-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaking nangunguha ng kiwet matapos na makuryente sa electric rod na ginagamit sa pangisda sa Barangay San Fermin, Cauayan City.

Sa inisyal na impormasiyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan natagpuang nakasubsob sa tubigan sa likurang bahagi ng pumping station ang biktima na hinihinalang nanghuhuli ng kiwet gamit ang panguryente sa isda at hinihinalang aksidenteng nakuryente ang sarili.

Batay sa ilang nakaugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa ilang barangay tanod ng barangay San Fermin kanilang sinabi na hindi nila kilala ang biktima at marahil hindi residente sa kanilang lugar .

Ang nasawing lalake ay nakasuot ng t-shirt na itim, may nakatakip sa kaniyang mukha na asul na t-shirt at pulang shortpants, kayumanggi ang kutis at may katamtaman ang pangangatawan.

Ilang nagtitinda ng ice cream ang nakapansin sa biktimang nakasubsub sa tubigan habang hawak hawak ang gamit sa pangunguryente ng isda .

Maingat namang inalis ng mga kasapi ng Rescue 922 ang gamit na pangunguryente sa isda bago tuluyang iniahon mula sa tubig ang katawan ng lalake.

Magkatuwang na nagsisiyasat ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station at Scene Of The Crime Operatives (SOCO) upang matukoy ang pagkakilanlan ng nasawing lalake.