Matagumpay na inaresto ng mga otoridad ang isang lalaking wanted sa batas sa bayan ng Baggao dahil sa panghahalay nito sa nakababatang kapatid ng kanyang asawa pagkatapos ng kanilang kasal.
Sa panayam kay PLT Jaqueline Urian, Deputy Chief of Police ng PNP Baggao, unang naganap ang pang-aabuso ng suspek na si alyas totoy kay Alyas Neneng na noon ay pitong taong gulang palamang pagkatapos ng kanilang kasal ng ate nito noong May 6, 2019.
Sa salaysay ni Alyas neneng ay una umanong ginawa ng suspek na ipasok ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng katawan at may pagbabantang sinabihan siya na huwang magsusumbong.
Naulit pa ng naulit ang pangmomolestiya ni Alyas Totoy sa biktima hanggang Oct 2021 hanggang sa magsumbong na ang bata at malaman ng tatay nila ang insidente dahil sa kakaibang ikinikilos nito.
Nabatid na si Alyas Neneng ay iniiwan kay alyas totoy habang nagtatrabaho sa bukid ang kanilang Ama habang ang asawa naman ng suspek na mismong ate nito ay may pinapasukang trabaho kaya’t wala rin sa kanilang bahay.
Hindi aniya makapaniwala ang Ama ng biktima na gagawin ito ng kanyang manugang kaya’t agad na silang nagsumbong sa mga otoridad.
Sa ngayon ay nakakulong at ipinasakamay na si Alyas totoy sa court of origin nito.