-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Namatay habang nilalapatan ng lunas ang tricycle driver na nakuryente habang nanunungkit ng mangga sa Purok 6, Minante 2, Cauayan City.

Ang biktima ay si Rogelio Dela Cruz, 48 anyos, tsuper ng tricycle, residente ng Alicia, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ruvelyn Magundayao na nakita niya ang biktimang nakasampa sa upuan habang nanunungkit ng mangga.

Gumamit anya ang biktima ng bakal na panungkit sa mangga.

Dahil sa ayaw ng biktima na mahulog ang mga sinusungkit na mangga ay pilit nitong sinasalo ngunit nawalan ng balan-se at tumama sa linya ng kuryente ang panungkit na bakal sanhi para siya ay makuryente.

Natumba ang biktima habang nangingisay na nagsanhi para mawalan ng malay na isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay hapang nilalapatan ng Lunas.

Nagkaroon ng sugat sa paa ang biktima na pinaniniwalaang linabasan ng kuryente ng tumama sa kanya.