-- Advertisements --

Pinakawalan ng France ang lalaking kanilang inaresto matapos na pagkamalang isa sa mga suspek sa pagpatay sa Saudi Arabia journalist na si Jamal Khashoggi.

Unang naaresto si Khaled Alotaibi sa paliparan ng Paris.

Inaresto ang 33-anyos na si Alotaibi dahil sa warrant of arrest mula sa Turkey.

Lumabas sa imbestigasyon ng France na kapangalan lamang nito ang dating Saudi Royal Guard.

Magugunitang pinatay si Khashoggi na kilalang kritiko ng gobyerno ng Saudi habang ito ay nasa konsulada ng Saudi sa Istanbul, Turkey.