-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive firearm and ammunition regulation Act) ang isang lalaki matapos masamsam sa kanya ang isang Cal. 38 na baril sa Santiago City.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan, ang suspek ay si Aries Sagadraca, 26 anyos at residente ng Raniag, Ramon, Isabela.

Nagsagawa ng operation bakal ang City Mobile Force Company sa isang videoke bar malapit sa national road ng Mabini, Santiago City

Sa loob ng nasabing establisyemento, nakumpiska kay Sagadraca ang Calibre 38 na baril na may tatlong live ammunition na nakasukbit sa kanyang baywang.

Napag-alaman ng mga autoridad na hindi rehistrado ang naturang baril dahil wala umanong maipakitang Dokumento ang naturang akusado.

Iginigiit umano ni Sagadraca na nadala lamang nito ang naturang baril bilang maging proteksyon.

Inaresto si Sagadraca at dinala sa Police Station 1 para sa Mas malalim pang imbestigasyo.

Nasa pangangalagaa na ng Santiago City Police Station pinaghihinalaan at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.