-- Advertisements --
ROXAS CITY – Patay ang 48-anyos na lalaking natutulog habang nasusunog ang kwarto ng kaniyang bahay na gawa sa light materials sa Sitio Cabangahan Daku, Gibato, Dumarao, Capiz.
Kinilala ang biktima na si John Mark Malones, isang matandang lalaki at mag-isang namumuhay sa naturang lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may nakakita umanong kapitbahay na lasing na umuwi ang biktima at naninigarilyo sa loob ng kaniyang bahay.
Posible umanong nakatulog ang biktima at hindi napatay ang sindi ng upos ng kaniyang sigarilyo.
Dahil dito ay mabilis na kumalat ang apoy sa kabuuan ng kaniyang kwarto kung saan natutulog ang biktima na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.
Umaabot naman sa P30,000 ang kabuuang danyos sa naturang sunog.