-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nakita na may dalawang tama ng bala ng baril ang baga ng isang lalaking mangangaso na una nang nawawala matapos mahulog sa bangin sa Mount Bumandera sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Nueva Era dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon kay P/Capt. William Sotelo, Hepe ng Nueva Era Municipal Police Station, nakilala ang biktima na si Gringo Barid, 33 anyos, may asawa at residente ng Barangay Cacafean sa bayan ng Marcos habang nakilala ang dalawang kasama ng biktima na sina Albino Magno at Hilbert Tuqyao.

Sinabi niya na ang tatlo ay nagtungo sa bundok upang mag-hunting ng mga wild animals tulad ng baboy ramo at usa.

Ayon kay Albino, isa sa mga kasama ng biktima, habang nangangaso sila, biglang nahulog ang biktima sa bangin.

Bukod dito, binanggit ni Albino na habang hinuhuli nila ang isang usa ay natumba si Gringo at ang hawak niyang baril ay aksidente umano na nakalabit niya rason na pumutok ito a natamaan ang baga ng biktima na dahilan ng kanyang pagkahulog sa bangin.

Gayunpaman, paliwag ni P/Capt. Sotelo na hindi naniniwala ang pamilya ng biktima sa nangyari kaya’t napagpasyahan nila na ang bangkay ng biktima ay sasailalim sa autopsy upang matukoy kung may foul play na nangyari o wala.

Idinagdag niya na narekobre nila ang isang improvised 12-gauge shotgun mula sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, tinatayang mayroong anim hanggang walong talampakan ang lalim ng bangin kung saan nahulog ang biktima.