-- Advertisements --
Miley Cyrus
Miley Cyrus/ IG post

Arestado ang isang lalaking obsessed kay Miley Cyrus.

Ayon sa kapulisan ng Clark County sa Las Vegas, nakatanggap sila ng tawag mula na isang lalaki ang biglang pumasok sa bahay ng singer.

Pagdating ng mga kapulisan ay naabutan nila ang 42-anyos na si David Rumsey.

Hindi lang ito ang naging unang beses na inireklamo si Rumsey dahil noong nakaraang mga buwan ay inireklamo na ito sa pagbabanta.

Agad nilang hinuli ang suspek at sinabing nais lamang niyang buntisin ang nabanggit na singer.